Information for Crew

Filipino Tagalog

Ang Carnival ay lubos na kumikita.

Ito ay pag-aari ng isa sa mga pinakamayamang mga Amerikano sa plaenta. Siya ay may personal na kayamanan na tinatayang $15 bilyong dolyar (AUD).

Ang sahod at mga kondisyon sa iyong barko ay dapat na mas mainam.

Ang Unyon ng Pandagat sa Australya (Maritime Union of Australia or MUA) ay ang Unyon na sumasaklaw sa lahat ng taong nagtatrabaho sa mga barko at sa mga daungan sa Australya. Halos lahat ng mga manggagawang pandagat na nakakasalamuha mo sa Australya ay mga miyembro ng Unyon: tripulante sa tugboats, mga barkong tagadala ng langis at mga bangka na pang piloto; ang mga manggagawa na nagtatali sa barko pag dumarating sa daungan, nagkakarga at nagbababa ng mga gamit at bagahe.

Hindi namin hahayaan ang Carnival na tratuhin ang mga tauhan ng cruise-ship na may ganitong kakila-kilabot na kawalang-galang sa ating baybayin.

Itinutulak ng MUA ang Carnival na paghusayin ang suweldo, pagkain, tirahan, pag-access sa internet at mga pamantayan sa kaligtasan sa tatlong barko nitong nakabase sa Australya: ang Encounter, Splendor at Adventure.


Habang nagtatrabaho ka sa Australya, masusuportahan ka ng MUA. Kung kailangan mo ng tulong, maaari kang makipag-ugnayan sa Unyon anumang oras. Maaari ka naming katagpuin nang pribado sa daungan kapag mayroon kang shore-leave, o maaari kang makipag-ugnayan sa Unyon sa MUA Cruise Ship Crew Support Line (+61 400 526 313).

Kailangan din namin ang iyong tulong.

Kung mas marami tayong nalalaman tungkol sa kung ano ang nangyayari sa tatlong barkong ito, mas magiging mahusay ang kakayahan natin upang matiyak ang suporta ng mga mamamayang Australyano para sa pakikibakang ito.

Nais namin na sabihin mo sa amin ang iyong mga kuwento.

Mga kwento ng masamang pagkain, mga kwento ng kakila-kilabot na mga amo, mga kwento ng nakakabaliw na mahabang oras, hindi nabayarang overtime at ninakaw na sahod. Mga kwento ng iyong buhok na nalalagas at ang iyong mga nabubulok na ngipin dahil sa masamang pagkain at tubig.

Ang MUA Cruise Ship Crew Support Line ay ganap na kumpidensyal. Ang iyong pagkapribado ay ganap na mapoprotektahan ng unyon sa lahat ng oras.

Ipadala ang iyong mga kwento bilang voice note o text sa MUA Cruise Ship Crew Support Line sa +61 400 526 313